Friday was Debz' day. We, with Ayel, met up at McDonald's Q.Ave. Before I got there, there's a huge traffic on Quezon Avenue right after Delta, so I walked. I walked upto National Bookstore and decided to ride a tricycle to McDo. The tricycle driver didn't want to take me because he said that the traffic extended upto there, so I had to plead. Buti na lamang at malakas ang aking persuasing power, pumayag si Manong subalit kailangan P20 ang ibayad ko. Sa sobrang pagod at sakit na ng paa ako, ako'y pumayag. Hindi ko na yata kakayanin pang doblehin ang nilakad ko. When I got there, (Paumanhin nga pala kung ako'y nagpapalipat-lipat ng linguahe.) Ayel and Debz were already there so I just bought a Coke and large French Fries. Matapos ang ilang sandali, kami'y muling naglakad patungo sa dulo ng fly-over kung saan namin hinatid dati ni Missy si Ryan. Nagmukha kaming mga tanga sa sidewalk dahil tawa kami ng tawa, pagkatapos, si Deborah ay nagpipilit pang Cubao Ilalim lang ang dapat naming sakyan, subalit wala namang dumadaang Cubao Ilalim, lahat ay sa Ibabaw. Hehehehe! Napagdesisyunan naming sumakay na sa isang berdeng bus. Nakakatawa pa kasi habang kaming patungo sa aming nais upuan, kaming pagewang-gewang sa bus habang humahalakhak. Hahahahaha. Umupo kami sa may bandang gitna ngunit dahil masikip, lumipat kami sa likod. >>>fast forward>>> Namili kami sa Greenhills ng MGA damit. Noong mga bandang 6:30 pm na, kami'y nag-FX patungo na sa kanilang bahay upang maligo at mag-ayos para sa lakad namin sa gabi. Sa napakatagal na biyahe, isang hita ko lang ang naka-upo sapagkat mga "insensitive" ang mga katabi kong interns. Hay, buhay! Pagkadating sa bahay nila Debz, kami'y kumain, nagpahinga, naligo, nagbihis at nag-ayos. Dumating sina Chrissie at Jarl habang kami'y nag-a-ayos. Matapos ang napakatagal na oras, hinatid kami ng driver ni Chrissie kina Irvinne. >>>forward>>> Kami'y kumain, nakipagkwentuhan, kumain at nakipagkwentuhan ulit. Naroon nga sina Aan, Knowell, Omar, Gen, Ex ni Knowell, Pat, Mom ni Pat, JM (kapatid ni Pat), Lynette at marami pang iba. Sayang nga at hindi namin naabutan sila Nelson at Ana Kat. >>>fast forward>>> Sa Eastwood, kami'y naglibot at naglibot, nakita si Joseph Bitangcol at naglibot muli. Makaraan ang ilang minuto kami'y nagtungo sa Power Station para maglaro. Na-miss kong magbasketball. Hahahaha, ang saya saya! >>>fastest forward>>> Nawindang ang aming gabi nang pinauwi agad si Jarl. Kinailangan kasi niyang mag-drive kinabukasan kaya't pinapauwi na siya agad. Sa sobrang asar ng bestfriend ko, nilibre niya kami sa Jack's Loft. Masarap pala ang Mocca Frap at French Fries doon. Habang kumakain, ninais naman ng BF ni Rayelle na makipag-break sapagkat napaparanoid siya. Nakakatuwa at nakakatawa. Nang umalis na si Jarl, kami'y nagtungo na sa Basement. As usual, amoy mukhang pabango na ng lahat ng tao ang amoy ng sigarilyo, pero tolerable naman. Nagsayawan. Uminom ng Martini at nagsayawan muli. Umuwi ako bago sunduin sina Debz, mga 2:30. Hindi man lamang ako pinagalitan kaya't nakakatuwa. Hehehe.
_____________________________________
Two roads divereged in a wood, and I-
I took the one less traveled by,
And that has made all the difference.
- Road Not Taken by Robert Frost
