<body>
time flies
14 August 2006

Hell week gone, prelim week is here!

Ngayon ko lang napagtanto ang kasabihan sa Ingles na, "Time flies when you're having fun." Hindi ba't mabilis din dumaan ang panahon kahit hindi ka masyadong nagsasaya. Isang malaki at "obvious" sa ehemplo ay ang aking buhay kolehiyo. (Hindi ko kasi sigurado kung pati ba ang kapwa kong estudyante ay nabibilisan sa takbo ng panahaon.) Hindi ko man lang namalayan na isang taon na lamang ay magtatapos na ako, at isang taon na lamang ang nalalabi upang mabuo ko ang aking pag-i-isip ukol sa planong pag-aaral ng Medisina. Isang taon na lang at hindi pa rin ako masyadong sigurado sa aking buhay. Isang taon na lang at tila wala pa rin akong nagagagawang matino.

Balik ako sa "Time flies when you're having fun." Nasabi ko nga na mabilis din ang pagdaan ng panahon kahit hindi ka nagsasaya. Ang aking buhay kolehiyo ay hindi naman puno ng kasiyahan. Maraming gabi ang dumadaan nang hindi ako natutulog. Maraming umaga ang pinagtatakahan ko kung nakatulog nga ba ako. Maraming oras ang ginugugol ko sa silid-aklatan at ang masama pa, pagka-uwi ay ipagpipilitan ng aking magulang na nagbulakbol lang ako. Sana nga.

Sa lahat ng pagpila sa photocopying machines, sa mahahapding mata kakabasa ng mga sinaunang libro, sa masasakit na balikat dahil sa kabigatan ng bag, sa paglangoy ng utak sa sobrang dami ng pinag-aaralan, sa pagkahilo dahil sa paglipas ng gutom, sa gutom na sikmura, sa ilang gabi ng cramming, sa pangangalay ng mga daliri kakasulat, sa pagkakaroon ng kalyo at paglaki ng hita kakalakad, masaya pa rin ang buhay kolehiyo. Dahil sa lahat ng ito, kasama ko ang aking mga kaibigan. At dahil sa kanila, masasabi ko na siguro nga time flies faster when you're having fun.



_____________________________________
Two roads divereged in a wood, and I-
I took the one less traveled by,
And that has made all the difference.
- Road Not Taken by Robert Frost


Profile

A I L E E N



B.S. Psychology Major | Proud NBSB (No Boyfriend Since Birth) | Futbolera | Proud PK Member | CYA-er | 4PSY2 | Future Thomasian Physician


Tagboard
scream out loud

Links
you're on your way

Aileen 2008 - Present | Perfectly Twisted

Archives
gone with the wind

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
May 2008
July 2008
August 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009

Credits
take a bow

Designer
Inspiration