life is not as nice as we see it. but since life treat us the way we treat it, i guess i'm not treating it the nice way because it's far from easy and happy.
eto na naman ako, pinipilit maging masaya kahit mukhang imposible. eto na naman, nangangarap na sana ang bawat ngiti na namumutawi sa aking mga labi ay totoo at walang halong kaplastikan. eto na naman, pilit ikinukubli ang kalungkutang bumabalot sa aking buong pagkatao.
bakit nga ba ganon? hindi ko mapadama sa mga tao ang tunay kong nadarama. hindi ko mapakitang binabalot na ako ng kalungkutan. hindi ko magawang umiyak kapag hindi ko na kaya, ni hindi ko nga magawang sumimangot kapag binabagsakan na ako ng lagit. bakit kaya?
marahil, sadyang plastik lang ako. o marahil, takot akong mabansagang "mahina". takot akong lalong lamunin ng pesteng kalungkutan. takot akong may malungkot nang dahil sa aking kahinaan. takot akong makaapekto sa buhay ng iba. takot.
siguro, sa lahat ng bagay, ang tanging pumipigil sa atin ay takot. hindi man tayo ganoon katapang para aminin ang ating kahinaan, may mga bagay pa din tayong kinatatakutan. dapat siguro, matuto tayong harapin ang takot. dapat minsan, maging totoo ako. ipakita kung anong nararamdaman. hayaan mo nang mapaaway ka. hayaan mo lang tumulo ang mga luha. minsan ang pagharap sa mga kahinaang ito, ang magpapalakas sa ating kalooban.
lunok. hinga lang. kaya mo yan. may bukas pa, malay mo, andoon talaga ang saya. para sa Kanya.
_____________________________________
Two roads divereged in a wood, and I-
I took the one less traveled by,
And that has made all the difference.
- Road Not Taken by Robert Frost
