Paano mo nga naman siya makakalimutan eh mukhang magkadugtong ang mga utak at katauhan niyo?
Dapat kasi nakikinig ka sa mga taong nagsasabing, "bawal magka-gusto sa isang kaibigan!" Bakit? Kasi totoo yun. Dapat ka pa ngang magpasalamat sa kanila sapagkat ngayon pa lang ay pinoprotektahan ka na nila sa nagbabadyang pangamba.
Bakit nga ba bawal?
Kapag nagka-gusto ka sa isang kaibigan, isa lang ang madarama mo - sakit. Sakit ng pagkawala ng kaibigan. Sakit ng pagtatangkang maghangad ng higit pa sa ibinibigay. Sakit sa puso at sa utak. Sakit sa pagpapayanig ng inyong pagkakaibigan. Sakit ng pangambang mawala lahat ng pinagsamahan. At sakit na masabihang may mahal siyang iba, na kapatid lang ang tingin sa iyo. Basta puro sakit.
Para sa mga hangal na katulad ko, masakit talga. Mahirap ngang makalimot. Subalit, marahil, hindi mo naman talaga kailangang kalimutan. Siguro, kailangan mo lang tanggapin at patuloy na maging mabuting kaibigan.
Pero sinong niloloko ko? Kung masakit, mas mahirap tanggapin. Kaya itulog na lang. Kung bumalik, itulog ulit. Kapag sa tulog ka naman ginulo, ikain na mo lang. Pag walang umubra, kita na lang tayo sa tuktok ng Citibank, samahan kitang tumalon. Or, panoorin mo na lang kaya ako.
Joke lang. Oo, half meant yun. Yung taong nagturo sa akin na maganda mabuhay, siya yung taong sinusubukan kong kalimutan. Peste. Ang hirap talaga. Kaya half meant, baka kasi bumalik siya at ipakita muli sa akin ang gandang nawala nung iniwanan niya ako.
Hahaha. Akala mo seryoso. Joke lang 'to. Lahat joke. Wala nang seryosong bagay sa mundo.
Example: Pulitika. Krimen. Medisina. Pag-aaral. Relasyon. Relihiyon. Pag-ibig. Tiwala.
Wala nang nagbibigay halaga sa mga bagay na hindi dapat isinasaalang-alang.
Siya: Kung papipiliin ako, kung si ***** o ikaw? Siyempre ikaw na!
Ako (sa sarili ko): Eh bakit hindi mo ako pinili?
Siya (sa imahinasyon ko): Kasi, katulad nga ng sinabi mo, umiiwas akong masaktan.
Ako: Eh paano kung sabihin ko sa iyong hindi ka masasaktan?
Siya: Hindi naman ako yung iniingatan ko eh, ikaw. Ayaw kitang masaktan o mahirapan.
Ako: Eh paano kung hindi naman ako masasaktan?
Siya: Ikaw na rin ang nagsabi, kahit ano pang mangyari, masasaktan ka pa rin. Kaya wag na lang.
Ano yun? Pampalubag loob?
Hahahaha. Joke lang yun.
_____________________________________
Two roads diverged in a wood, and I-
I took the one less traveled by,
And that has made all the difference.
- Road Not Taken by Robert Frost
